Talaan ng mga salitang hiniram ng Tagalog

Listahan ng mga salitang hiniram ng wikang Tagalog

Pinayaman ng wikang Tagalog ang bokabularyo nito mula nang mabuo ito mula sa Austronesyong ugat nito sa pagkukuha ng mga salita mula sa Malay, Hokkien, Kastila, Nahuatl, Ingles, Sanskrito, Tamil, Hapones, Arabe, Persa, at Quechua.

Kastilabaguhin

Naghiram ang wikang Filipino ng mga salitang Kastila bilang resulta ng 333 taon ng paghahantad sa wikang Kastila. Sa kanilang pagsusuri ng Talahuluganang Pilipino-Ingles ni José Villa Panganiban, itinawag-pansin ni Llamzon at Thorpe (1972) na 33% ng mga salitang ugat ang nagmula sa Kastila. Dahil hindi isiniwalat ng nabanggit na pagsusuri ang dalas ng paggamit ng mga salitang ito ng mga katutubong nagsasalita, isang pag-aaral ang isinagawa ni Antonio Quilis upang maintindihan ang porsiyento ng mga salitang hango sa Kastila na ginagamit ng mga Pilipino sa mga pang-araw-araw na usapan. Sa kanyang pagsusuri, anupat inilathala ang resulta para sa Tagalog noong 1973 at Sebwano noong 1976, nalaman na 20.4% ng leksikon na ginamit ng mga nagtatagalog ang nagmula sa Kastila, habang 20.5% naman ito para sa mga nagsesebwano.[1]:391–393 Ayon kay Patrick O. Steinkrüger, depende sa uri ng teksto, halos 20% ng bokabularyo sa tekstong Tagalog ang nagmula sa Kastila.[2]:213 Sa isang pagsusuri ng korpus ng wikang Tagalog na binubuo ng pasumalang balita, at mga artikulong piksiyon at di-piksiyon na inilathala mula 2005 hanggang 2015, nalaman ni Ekaterina Baklanova na bumubuo ang salitang hango sa Kastila ng 20% ng leksikon na ginagamit.[3] Isang halimbawa ang pangungusap sa ibaba kung saan pahilis ang mga salitang hango sa Kastila (nakapanaklong ang orihinal):

"Puwede (Puede) ba akong umumpo sa isang silya (silla) sa tabi ng bintana (ventana) habang nasa biyahe (viaje) tayo sa eroplano (aeroplano)?"

Dahil sa pagkupkop ng alpabetong Abakada noong 1940,[4] nagbago ang baybay ng karamihan sa mga salita sa wikang Filipino na hango sa Kastila. Nareporma ang mga baybay ng salitang hango sa Kastila ayon sa mga patakaran ng bagong ortograpiya. Kabilang sa mga halimbawa ang:

agila (mula sa Kast. águila), alkalde (mula sa Kast. alcalde), bakuna (mula sa Kast. vacuna), banyo (mula sa Kast. baño), baso (mula sa Kast. vaso), biktima (mula sa Kast. víctima), bintana (mula sa Kast. ventana), bisita (mula sa Kast. visita), biyahe (mula sa Kast. viaje), braso (mula sa Kast. brazo), demokrasya (mula sa Kast. democracia), diyaryo (mula sa Kast. diario), estudyante (mula sa Kast. estudiante), heneral (mula sa Kast. general), hustisya (mula sa Kast. justicia), kama (mula sa Kast. cama), kambiyo (mula sa Kast. cambio de marcha), keso (mula sa Kast. queso), kutsara (mula sa Kast. cuchara), kuwarto (mula sa Kast. cuarto), kuwento (mula sa Kast. cuento), lababo (mula sa Kast. lavabo), mensahe (mula sa Kast. mensaje), meryenda (mula sa Kast. merienda), mikrobyo (mula sa Kast. microbio), niyebe (mula sa Kast. nieve), panyo (mula sa Kast. paño), pila (mula sa Kast. fila), plema (mula sa Kast. flema), presyo (mula sa Kast. precio), prinsesa (mula sa Kast. princesa), reseta (mula sa Kast. receta médica), reyna (mula sa Kast. reina), serbisyo (mula sa Kast. servicio), sinturon (mula sa Kast. cinturón), teklado (mula sa Kast. teclado), telebisyon (mula sa Kast. televisión), tinidor (mula sa Kast. tenedor), trabaho (mula sa Kast. trabajo), tuwalya (mula sa Kast. toalla) at yelo (mula sa Kast. hielo).[1][5][6][7]

Dumaan ang mga ibang salitang hiram sa mga pagbabago sa ponolohiya. May mga patinig na nagbago sa ilang mga salitang Kastila noong hiniram sila sa wikang Filipino, kagaya ng pagpapalit ng patinig /i/ ng /a/ sa salitang Filipino na paminta na nagmula sa salitang Kastila na pimienta,[5] at pagpapalit ng pre-nasal na /e/ ng /u/ sa mga ilang salita katulad ng unano (mula sa Kast. enano) at umpisa (mula sa Kast. empezar). Indinagdag ang protetikong /a/ sa mga salitang alisto (mula sa Kast. listo) and aplaya (from Sp. playa).[8] Natanggalan ng patinig ang mga ibang salita, hal., pusta (mula sa Kast. apostar), tarantado (mula sa Kast. atarantado), kursonada (mula sa Kast. corazonada), Pasko (mula sa Kast. Pascua) at labi (mula sa Kast. labio).[5]

Maoobserbahan din ang mga pagbabago sa katinig sa ilan sa mga salitang Kastila noong hiniram sila ng wikang Filipino. Makikita ang pagpapalit ng katinig [r] ng [l] sa mga sumusunod na salita:

albularyo (mula sa Kast. herbolario), alma (mula sa Kast. armar), almusal (mula sa Kast. almorzar), asukal (mula sa Kast. azúcar), balbas (mula sa Kast. barba), bandila (mula sa. Kast. bandera), dasal (mula sa Kast. rezar), hibla (mula sa Kast. hebra), hilo (mula sa Kast. giro), hulma (mula sa Kast. ahormar), kasal (mula sa Kast. casar), kumpisal (mula sa Kast. confesar), litratista (mula sa Kast. retratista), litrato (mula sa Kast. retrato), multo (mula sa Kast. muerto), nunal (mula sa Kast. lunar), pastol (mula sa Kast. pastor) at pasyal (mula sa Kast. pasear).

Maoobserbahan ang pagkawala ng ponemang /l/ sa salitang kutson sa Filipino na nagmula sa colchón sa Kastila. Maoobserbahan ang pagkawala ng ponemang /t/ sa mga salitang Filipino na talino[9] (mula sa Kast. talento) at tina[10] (mula sa Kast. tinta). Natanggalan din ang mga ilang salitang hango sa Kastila ng katinig o pantig noong hiniram sa Tagalog tulad ng limos (mula sa Kast. limosna), masyado (mula sa Kast. demasiado), posas (mula sa Kast. esposas), restawran[11] (mula sa Kast. restaurante), riles (mula sa Kast. carriles), sindi (mula sa Kast. encender) at sintunado (mula sa Kast. desentonado).[1]

Noong panahon ng Renasimiyento, /j/ ang pagbigkas ng digrapong [ll] sa wikang Kastila at makikita ito sa pagbigkas at pagbaybay ng mga salitang Tagalog hango sa Kastila na ipinakilala bago ang ika-19 na siglo, kung saan naging [y] ang digrapong [ll] sa Tagalog. Ganito ang kaso sa mga salitang barya (mula sa Kast. barilla[12]), kabayo (mula sa Kast. caballo), kutamaya (mula sa. Kast. cota de malla), lauya (mula sa Kast. la olla), sibuyas (mula sa Kast. cebollas) at tabliya o tablea (mula sa Kast. tablilla de chocolate). Marahil ipinakilala (o muling ipinakilala) ang mga salitang hango sa Kastila kung saan binibigkas ang digrapong [ll] bilang /lj/ sa Tagalog noong ika-19 na siglo.[13]:308 Kabilang sa mga halimbawa ang apelyido (mula sa Kast. apellido), balyena (mula sa Kast. ballena), kalye (mula sa Kast. calle), kutsilyo (mula sa Kast. cuchillo), makinilya (mula sa Kast. maquinilla de escribir), sepilyo (mula sa Kast. cepillo de dientes), silya (mula sa Kast. silla) at sigarilyo (mula sa Kast. cigarrillo). Mayroon ding mga bihirang kaso ng mga duplikado sa Tagalog na nagmula sa parehong etimolohikal na ugat sa Kastila na kapwa nagpapakita ng impluwensya ng Renasiymentong /j/ at ang huling /λ/ na tunog, tulad ng kaso ng salitang kapares sa Tagalog na laryo at ladrilyo, kapwa mula sa Kast. ladrillo.[14] Mayroon ding mga halimbawa kung saan naging [l] ang digrapong [ll] sa Kastila noong hiniram ng Tagalog. Ganito ang kaso sa mga sumusunod na salita: kulani (mula sa Kast. collarín[13]:318-319), kursilista (mula sa Kast. cursillista) at uling (mula sa Kast. hollín[6]:86).

Nakikita ang mga natitirang impluwensya ng /ʃ/ ng Lumang at Gitnang Kastila sa ilan ng mga salitang hiniram ng Tagalog mula sa Kastila, kung saan ang tunog /ʃ/ ay naging /s/ sa Tagalog. Kabilang sa mga halimbawa ang relos (mula sa Kast. reloj, /reˈloʃ/ ang pagbigkas sa Gitnang Kastila) sabon (mula sa Kast. jabón, /ʃaˈbon/ ang pagbigkas sa Gitnang Kastila), saro (mula sa Kast. jarro, /ˈʃaro/ ang pagbigkas sa Gitnang Kastila), sugal (mula sa Kast. jugar, /ʃuˈgar/ ang pagbigkas sa Gitnang Kastila) at tasa (mula sa Kast. tajar, /taˈʃar/ ang pagbigkas sa Gitnang Kastila).[13]:307[15] Mayroon ding mga salitang hiram sa Tagalog na may bigkas na nagpapaaninag ng pagbabago ng /ʃ/ ng Gitnang Kastila tungo sa /x/ ng Modernong Kastila. Ang tunog /x/ ng Modernong Kastila ay isinasalin bilang [h] sa Tagalog na siyang pamantayang pagbigkas sa mga ibang diyalekto ng Kastila. Kabilang sa mga halimbawa ng kaso ang ahedres (mula sa Kast. ajedrez), anghel (mula sa Kast. ángel), halaya (mula sa Kast. jalea), hardin (mula sa Kast. jardín), hepe (mula sa Kast. jefe), kahera at kahero (mula sa Kast. cajera at cajero) at kahon (mula sa Kast. cajón). Mayroon ding mga bihirang kaso ng mga doblete na nagpapakita ng mga impluwensya ng /ʃ/ ng Gitnang Kastila at /x/ ng Modernong Kastila tulad ng halimbawa ng muson at muhon sa Tagalog (pareho mula sa Kast. mojón) at relos at relo (pareho mula sa Kast. reloj).

Mayroong tambalang salita na batya't palo-palo, isang parirala sa negosyo ng paglalaba kung saan marami ang mga salitang Kastila. Kinuha ang mga salita mula sa Kastilang batea para sa "banyera" at palo para sa "tungkod", na maaaring isipin na hindi nanggaling sa Kastila ng isang karaniwang Pilipino dahil sa pandiwang palo sa wikang Tagalog.

Nagbago ang kahulugan ng mga ilang salitang hiram, tulad ng kursonada (corazonada, na orihinal na nangahulugang "kutob"), na nangangahulugang "ninanasang bagay"; sospetsoso (sospechoso) na nangangahulugang "kahina-hinalang tao" at hindi ang "suspek" tulad ng orihinal; insekto (insecto) na may parehong kahulugan pa rin ngunit tumutukoy rin sa isang "pesteng mapayasong tao"; o kahit sige (sigue), isang salitang Kastila para sa "magpatuloy" o "sundin", na naintindihan na ngayong ng marami bilang "okey" o "tuloy lang".

Ikinakabit ang mga ibang Kastilang panlapi sa mga salitang Tagalog para makabuo ng mga bagong salita. Kabilang sa mga halimbawa ang pakialamero (mula sa Tag. pakialam, at sa Kast. hulaping –ero, paksang panlalaki); majongero ("mahjong", mula sa Tsino, at ang Kast. hulaping –ero); basketbolista, boksingero. Ang daisysiete ay paglalaro ng salita at portmanteau ng daisy sa Ingles at diecisiete sa Kastila ("labimpito"), na may kahulugang magiliw at kanais-nais na dalaga (na menor de edad, 17 anyos). Isang halimbawa ang bastusing katawan (Kast.: basto -> bastos & Tag.: katawan) ng dalawang kataga para sa napakaseksing katawan.

May impluwensiya pa rin ang wikang Kastila sa pagbubuo ng bagong salita sa Tagalog, hal., alaskador ("Alaska" + Kast. hulaping –ador); berde (verde = "luntian", na may kahulugang "katatawanang bulgar", isang literal na salin ng green(-minded) sa Pilipinong Ingles; na hindi madaling nauunawaan sa Espanya o alinmang bansa sa Amerikang Latino.

Impluwensya ng Kastila sa morposintaks ng Tagalogbaguhin

Bagama't napakaliit ang impluwensya ng Kastila sa morposintaks ng wikang Tagalog,[2]:211 may mga ginagamit na salitang hango sa Kastila na nakapagbago sa palaugnayan ng Tagalog.[16] Makikita ang mga malilinaw na impluwensya ng Kastila sa morposintaks ng paghahambing at pag-iiral ng mga pamaraan at pangatnig,[2]:211 gaya ng tatalakayin nang mas detalyado sa ibaba.

Kumusta bilang salitang pananong sa Tagalogbaguhin

Hindi nagmumula sa Kastila ang lahat ng mga salitang pananong sa Tagalog maliban sa kumusta. Nagmula ang salitang kumusta sa ¿cómo está? sa Kastila na nagsisilbi bilang salitang pananong sa Tagalog na ginagamit bilang kapalit ng pang-uring panlarawan o kondisyonal.[17] Maaari ring gamitin ang kumusta bilang pambati (parang Hello! sa Ingles) o bilang pandiwa (mangumusta, kumustahin).

Mga katagang panularan mula sa Kastilabaguhin

Ang Tagalog ay may ilang katagang panularan na may etimolohiya mula sa Kastila. Ginagamit ang salitang mas (mula sa Kast. más), kasabay ng mga iba pang katapat (kaysa + katagang sa, sa, kay) bilang katagang panularan ng di-pagkakatulad.[18] Ang kumpara[19] (mula sa Kast. comparado) ay isa pang katagang panularan ng di-pagkakatulad na kadalasang sinusundan ng katagang sa. Panghuli, ginagamit ang salitang pareho (mula sa Kast. parejo), na kadalasang dinudugtungan ng -ng, bilang katagang panularan ng pagkakatulad.[20]

Mga modal ng Tagalog mula sa Kastilabaguhin

Mayroong mga iilang salitang nagmula sa Kastila na nakakuha ng tungkulin bilang mga modal sa Tagalog. Ang mga modal sa Tagalog, kabilang yaong mga may palaugatan sa Kasila, ay maaaring uriin sa dalawang pangunahing grupo: ang mga salitang nagtutupad ng deontikong modalidad (yaon ay, mga modal ukol sa pagpapahayag ng inklinasyon, obligasyon at abilidad) at mga salitang nagtutupad ng epistemikong modalidad (yaon ay, mga modal ukol sa antas ng katunayan).

Natutupad ang deontikong modalidad sa Tagalog sa pamamagitan ng mga salitang isinabalarila ni Paul Schachter at Fe T. Otanes bilang mga "pandiwang huwad".[21] Isang halimbawa ng Tagalog na deontikong modal mula sa Kastila ang gusto (mula sa Kast. gusto), na ginagamit bilang pantukoy ng pagkiling o pagnanais. Itinuturing na mas ginagamit ang gusto kaysa sa kanyang mga kauri tulad ng nais o ibig, dahil nauunawaan ang mga huling nabanggit bilang mas pormal kaysa sa gusto at mas ginagamit sa pagsusulat kaysa sa pagsasalita. Isa pang halimbawa ang puwede (mula sa Kast. puede), na ginagamit upang ipahayag ang pahintulot o kakayahan. Magkasabay umiiral ang salitang puwede sa kanyang katumbas na hindi nagmula sa Kastila, maaari, at itinuturing na kaunti lamang ang pagkakaiba ng dalawang pandiwang huwad sa semantiko. Mas kolokyal at di-gaanong pormal lamang ang puwede kumpara sa maaari.[22]

Natutupad ang epistemikong modalidad sa Tagalog sa pamamagitan ng mga salitang nagsisilbi bilang malapang-abay. Ang mga salitang ito, kapag ginagamit bilang mga modal, ay karaniwang inuugnay sa sugnay na isinasamodal nila sa pamamagitan ng mga pang-angkop -ng o na. Ang isang halimbawa ng epistemikong modal mula sa Kastila na ginagamit upang ipahayag ang mataas na antas ng probabilidad ay sigurado + -ng (mula sa Kast. seguro + -ado), na itinuturing bilang salitang kasingkahulugan sa tiyak. Ang salitang siguro (mula sa Kast. seguro) ay isang epistemikong modal na nagmamarka ng katamtamang antas ng probabilidad, na magkasingkahulugan sa marahil. Ang salitang siguro ay tinutukoy rin ni Ekaterina Baklanova, isang dalubwika, bilang markador ng diskurso sa Tagalog na nagmula sa Kastila, at sa gayon ay nagkakaiba sa mga pag-aangkin ng mga ibang iskolar tulad ni Patrick Steinkrüger na wala sa mga mararaming markador ng diskurso sa Tagalog ay nagmumula sa Kastila.[23] Katulad din sa Tagalog, ang salitang siguro ay itinuturing din bilang klitikong malapang-abay sa Sebwano[24] at sa Minasbate.[25] Ang posible + -ng (mula sa Kast. posible), ay isang epistemikong modal sa Tagalog na nagmamarka ng mababang antas ng probabilidad. Kabilang sa mga halimbawa ng mga epistemikong modal ng Tagalog mula sa Kastila na nagmamarka ng labis na antas ng katindihan ang masyado + -ng (mula sa Kast. demasiado) at sobra + -ng (mula sa Kast. sobra) habang nagmamarka ang medyo (mula sa Kast. medio) ng katamtamang antas ng katindihan.

Mga pangatnig ng Tagalog mula sa Kastilabaguhin

May mga iilang pangatnig sa Tagalog na may Kastilang palaugatan. Pinalitan ng o, isang pangatnig na pamukod (mula Kast. o) ang "kun", ang katutubong katapat sa lumang Tagalog,[26] kaya lumpias na ang huling nabanggit. Ang dalawang pangatnig na paninisay sa Tagalog na nagmula sa Kastila ay pero (from Kast. pero) at kaso (mula sa Kast. caso),[27] kapwa itinuturing na magkasingkahulugan sa kanilang mga katutubong katapat ngunit, subalit, atbp.

Mga salitang hiram na nagbagong-semantikabaguhin

Noong inadopta sa Tagalog, nagbagong-semantika o nagbagong-kahulugan ang iilang mga terminong nagmula sa Kastila. Sinasabing nagbagong-semantika ang isang salitang hiram kung ang kanyang kahulugan ay lumilihis sa orihinal na kahulugan ng salita sa pinagmulang wika (sa kasong ito, Kastila). Ang isang uri ng pagbabagong-semantika ay ang tinatawag na pagkikitid-semantika, na isang pangyayari sa lingguwistika kung saan ang kahulugan ng isang salitang nagmula sa Kastila ay nagtamo ng di-gaanong pangkalahatang o ingklusibong kahulugan sa Tagalog. Nagkakaroon ng pagkikitid-semantika kapag nagiging mas tiyak ang paggamit ng isang salita. Halimbawa, ang salitang kuryente ay nagmumula sa Kastilang , na isang pangkalahatang termino na pantukoy sa anumang agos, de-kuryente man o hindi. Noong isinama ang salitang corriente sa Tagalog bilang kuryente, kumitid-semantika ito at naging limitado ang paggamit nito sa pagtukoy sa dagibiting agos, di-gaya ng kanyang katapat sa Kastila. Isa pang halimbawa ng pagkikitid-semantika ay ang salitang ruweda, isang salitang nagmula sa Kastilang rueda na tumutukoy sa anumang uri ng gulong. Noong isinama ito sa Tagalog, naging mas tiyak ang paggamit nito at naging limitado ang kanyang kahulugan sa sasakyang pangkarnabal.

Maaari ring magkaroon ng pagbabagong-semantika sa pamamagitan ng pakikialam ng isa pang wika, kadalasan ang wikang Ingles. Maaaring magresulta ang pangyayaring ito sa bagong interpretasyon ng isang salitang nagmula sa Kastila sa pagpapaugnay nito sa isang kahulugan sa Ingles kapag naging bahagi ito ng Tagalog. Isang halimbawa ang salitang libre, na nagmula sa pagsasalin sa Kastila ng free sa Ingles, ngunit ginagamit sa Tagalog na may kahulugang "walang gastos o bayad", isang paggamit na ituturing bilang mali sa Kastila dahil mas angkop ang salitang gratis. Isa pang halimbawa ang salitang iskiyerda, na nagmula sa Kastilang izquierda na nangangahulugang "kaliwa", ngunit ginagamit ito sa Tagalog na may kahulugang "tumalilis".

Narito ang talaan ng mga salitang nagmula sa Kastila na nagbagong-semantika noong naging bahagi ng Tagalog:

TagalogSalitang pinagmulan sa KastilaKatumbas sa Kastila
AlaheroAlhajero ("kahon ng alahas")Joyero
Algodon[28]Algodon ("bulak")Pagapa; pez blanco
Almohadilya[29]Almohadilla ("maliit na unan")Alfombrilla para el ratón o mouse
AlmusalAlmorzar ("magtanghalian")Desayuno
Asar[30]Asar ("ihawin")Molestar
BahuraBajura ("baybayin" o "mababaw na tubig")Arrecife coralina
BarkadaBarcada ("lulan ng bangka" o "biyahe sa bangka")Pandilla de amigos o camaradas
BastaBasta ("sapat")Siempre y cuando; siempre que
BidaVida ("buhay")Protagonista
BiskotsoBizcocho ("mamon")Pan tostado
BulsaBolsa ("bag")Bolsillo
DehadoDejado ("naiwan" o "walang-ingat")Desfavorecido; desaventajado
DelikadoDelicado ("maselan")Peligroso
DilihensiyaDiligencia ("sipag" o "bilin")Pedir un préstamo
DisgrasyaDesgracia ("kasawian")Accidente
DiskarteDescarte ("iwaksi")Ingeniosidad; capacidad de improvisación
GisadoGuisado ("nilaga")Salteado
HaranaJarana ("kaguluhan", "pakikisalu-salo" o

"walang-taros na pagsasaya")

Serenata
HepeJefe ("puno" o "amo")Comisario; jefe de policía
ImpaktoImpacto ("salpok" o "dagok")Espíritu maligno
InutilInútil ("walang silbi")Sexualmente impotente
IskiyerdaIzquierda ("kaliwa")Irse de; abandonar
KabayoCaballo ("koda")Tabla de planchar
KabiseraCabecera ("ulo" o "ulunan ng kama")Capital; ciudad cabecera
KakawateCacahuate ("mani")Madre de cacao
KasilyasCasillas ("kubikulo")Baño
KonyoCoño ("salitang bulgar at masama")De clase alta
KubetaCubeta ("balde")Baño
KulebraCulebra ("ahas")Culebrilla; herpes zóster
KursonadaCorazonada ("kutob")Deseo del corazón
KuryenteCorriente ("daloy")Electricidad; corriente eléctrica
LabakaraLavacara ("hilamusan")Toalla de tocador
LakwatsaCuacha ("dumi")Vaguear; holgazanear; hacer novillos
LamyerdaMierda ("dumi")Vaguear; holgazanear; hacer novillos
LibreLibre ("malaya")Gratis
LiyamadoLlamado ("tinawagan", "pinangalanan" o

"itinalaga")

Favorecido
MantikaManteca ("mantikilya")Aceite
MutaMota ("batik" o "dumi")Legaña
PalengkePalenque ("istakada" o "bakod")Mercado
PalitadaPaletada ("sanpala" o "sandulos")Yeso
PapagayoPapagayo ("loro")Cometa
ParadaParada ("hinto")Desfile
ParolFarol ("ilawan", "lampara" o "ilaw sa kalye")Estrella navideña
ParoleroFarolero ("tagapagsindi ng lampara")Artesano de estrellas navideñas
PasamanoPasamano ("dalaydayan")Alféizar, repisa de la ventana
PitsoPecho ("dibdib" o "suso")Pechuga de pollo
PostisoPostizo ("huwad" o "nababakas")Prótesis dental; dentadura postiza
PutahePotaje ("nilagang gulay o sopas")Plato
RebentadorReventador ("manunulsol")Petardo
RekadoRecado ("mensahe" o "bilin")Especia; condimiento
Ruweda[31]Rueda ("gulong")Rueda de la fortuna
SemilyaSemilla ("binhi")Semen
SentidoSentido ("diwa" o "kahulugan")Templo; sien
SiguroSeguro ("sigurado")Quizás; probablemente
SilindroCilindro ("silinder")Armónica
SintasCintas ("laso", "teyp" o "sinturon")Cordón de zapato; cintas para zapatos
SiyempreSiempre ("palagi")Por supuesto
SupladoSoplado ("hinanginan" o "pinapintog")Presuntuoso, arrogante
SuportaSoportar ("pagtiisan")Apoyo
SustansyaSustancia (meaning "substance")Sustancia nutritiva; nutriente
TiradaTirada ("ihagis" o "bilang ng nalimbag")Diatriba
TodasTodas ("lahat")Matar
TodoTodo ("lahat", "buong", "bawat", atbp.)Al máximo
TosinoTocino ("bacon")Carne curada endulzada
TsamporadoChampurrado ("atole batay sa tsokolate")Arroz al chocolate
TsikaChica ("babae")Chisme
TuronTurrón ("nougat")Rollo de platano frito
TuwalyaToalla ("tuwalya")Mondongo; tripa; callos

Mga salitang nagmula sa mga pangmaramihang pangngalan sa Kastilabaguhin

Lumilitaw ang iilan sa mga salitang hiniram ng Tagalog sa Kastila sa kanilang pangmaramihang anyo, minamarka ng -s o -es. Gayunman, sa Tagalog, hindi itinuturing bilang pangmaramihan ang mga ganitong salita at katulad ng mga katutubong salita sa Tagalog, kailangang magdagdag ng mga, ang markador ng pangmaramihan, sa unahan ng salita.[32] Halimbawa, ang salitang butones (mula sa Kast. botones) ay itinuturing bilang isahan sa Tagalog at ang kanyang anyong pangmaramihan ay mga butones.

Salitang TagalogSalitang KastilaKahulugan sa Kastila
AlahasAlhaja (maramihan: alhajas)Alahas; hiyas
AlkatsopasAlcachofa (maramihan: alcachofas)Alkatsopas (Cynara scolymus)
AratilesDátil (maramihan: dátiles)Datilero (Phoenix dactilyfera)
ArmasArma (maramihan: armas)Sandata; braso
BalbasBarba (maramihan: barbas)Balbas
BanyosBaño (maramihan: baños)Banyo; paliguan
BayabasGuayaba (maramihan: guayabas)Bayabas (Psidium guajava)
BesesVez (maramihan: veces)Beses
BosesVoz (maramihan: voces)Boses; tinig
Butones (bar. bitones) Botón (maramihan: botones)Butones
DatosDato (maramihan: datos)Katotohanan; detalye; piraso ng impormasyon; datos
GarbansosGarbanzo (maramihan: garbanzos)Garbansos (Cicer arietinum)
GastosGasto (maramihan: gastos)Gastos; gugol; paggasta
GisantesGuisante (maramihan: guisantes)Tsitsaro (Pisum sativum)
GuwantesGuante (maramihan: guantes)Guwantes
Kalatas[33]Carta (maramihan: cartas)Sulat; talangguhit; karta
KamatisTomate (maramihan: tomates)Tomato (Lycopersicum esculentum)
KasilyasCasilla (maramihan: casillas)Kubikulo; kubol
KastanyasCastaña (maramihan: castañas)Kastanyas (Castanea spp.)
KostilyasCostilla (maramihan: costillas)Rib
KubyertosCubierto (maramihan: cubiertos)Kubyertos
KuwerdasCuerda (maramihan: cuerdas)Lubid; tali; kuwerdas
KuwintasCuenta (maramihan: cuentas)Hiyas
KuwitisCohete (maramihan: cohetes)Kuwitis
LabanosRabano (maramihan: rabanos)Labanos (Raphanus sativus)
LansonesLanzón[34] (maramihan: lanzones)P. Kast. para sa Lansium domesticum
LetsugasLechuga (maramihan: lechugas)Lettuce (Lactuca sativa)
ManggasManga (maramihan: mangas)Manggas
MansanasManzana (maramihan: manzanas)Mansanas (Malus domestica)
MateryalesMaterial (maramihan: materiales)Materyales
MedyasMedia (maramihan: medias)Medyas
OpisyalesOficial (maramihan: oficiales)Opisyales
OrasHora (maramihan: horas)Oras (sukat ng panahon)
PanderetasPandereta (maramihan: panderetas)Panderetas
Palanas[33]Plana (maramihan: planas)Kapatagan
PapelesPapel (maramihan: papeles)Papel
PatatasPatata (maramihan: patatas)Patatas (Solanum tuberosum)
ParesPar (maramihan: pares)Pair
PasasPasa (maramihan: pasas)Pasas
PastilyasPastilla (maramihan: pastillas)Pilduras; tableta; kendi
PerasPera (maramihan: peras)Peras (Pyrus spp.)
PerlasPerla (maramihan: perlas)Perlas
PildurasPildora (maramihan: pildoras)Pilduras; tableta
PohasFoja (maramihan: fojas)Pohas
PosasEsposa (maramihan: esposas)Posas
PresasPresa (maramihan: presas)Presas (Fragaria x ananassa)
PrutasFruta (maramihan: frutas)Prutas
PulbosPolvo (maramihan: polvos)Alikabok; pulbos
PulserasPolvo (maramihan: pulseras)Pulseras
PuntosPunto (maramihan: puntos)Tuldok; punto; puntos (paligsahan)
RehasReja (maramihan: rejas)Rehas
RilesCarril (maramihan: carriles)Landas; daanan
RosasRosa (maramihan: rosas)Rose (Rosa spp.)
SalasSala (maramihan: salas)Sala
SapatosZapato (maramihan: zapatos)Sapatos
SardinasSardina (maramihan: sardinas)Sardinas (Clupeidae)
SenyalesSeñal (maramihan: señales)Senyas; tanda
SenyasSeña (maramihan: señas)Senyas; tanda
SibuyasCebolla (maramihan: cebollas)Sibuyas (Allium cepa)
SigarilyasSeguidilla[35] (maramihan: seguidillas)P. Kast. para sa Psophocarpus tetragonolobus
Silahis[36]Celaje (maramihan: celajes)Kulumpon ng ulap
SingkamasJícama (maramihan: jícamas)Singkamas (Pachyrhizus erosus)
SintasCinta (maramihan: cintas)Laso; teyp; puntas
SintomasSíntoma (maramihan: síntomas)Sintomas
SopasSopa (maramihan: sopas)Sabaw
SorbetesSorbete (maramihan: sorbetes)Sorbetes
TsinelasChinela (maramihan: chinelas)Tsinelas
TsismisChisme (maramihan: chismes)Chismis
UbasUva (maramihan: uvas)Ubas (Vitis spp.)
UhalesOjal (maramihan: ojales)Uhales
UhasHoja (maramihan: hojas)Dahon

Mga salitang nagmula sa mga pandiwa ng Kastilabaguhin

Ikinapit ang iilang pandiwa ng Kastila sa Tagalog. Karamihan sa mga ito ay nasa anyong pawatas na kakikitaan ng pagtanggal ng huling /r/, tulad ng salitang intindi na nagmula sa entender, isang Kastilang pandiwa.[37] Makikita rin ito sa mga pandiwa ng Chavacano na nagmula sa Kastila at maipangangatuwiran na nagmula ang mga salitang ito sa ibinagong anyo ng Kastila (Chavacano o isang pidgin).[38] Maaaring tingnan ang isang talaan ng mga salitang hiram na ito. Sa kabilang panig, noong ikinapit sa Tagalog, ang huling /r/ ng mga pandiwang Kastila sa kani-kanilang anyong pawatas ay nagigigng /l/. Gayon ang kalagayan ng mga sumusunod na salitang hiram: almusal (mula sa Kast. almorzar), dasal (mula sa Kast. rezar), duplikal (mula sa Kast. repicar[39]), kasal (mula sa Kast. casar), kumpisal (mula sa Kast. confesar), minindal (mula sa Kast. merendar), pasyal (mula sa Kast. pasear) at sugal (mula sa Kast. jugar). Sa mga ilang kaso, nanatili ang huling /r/ sa salitang Tagalog tulad ng andar (mula sa Kast. andar), asar (mula sa Kast. asar) at pundar (mula sa Kast. fundar).

Ikinakapit din ang mga binanghay na pandiwang Kastila sa Tagalog. Kabilang sa mga halimbawa ang: para (mula sa. parar), pasa (mula sa Kast. pasar), puwede (mula sa Kast. poder), tira (mula sa Kast. tirar) at sige (mula sa Kast. seguir). Ang imbiyerna ay nagmumula sa Kastilang pandiwa infernar at diumano’y inilikha ni Ricardo "Rikki" Dalu, noong una para ilarawan ang maimpiyernong karamdaman at pagkabigo habang dumadalo sa klase sa Kastila.[40] Sa mga ilang kaso, isinasama ang pandiwang binanghay sa isa pang salita para makabuo ng mga morpema sa Tagalog tulad ng mga sumusunod: asikaso (mula sa kombinasyon ng Kast. hacer at Kast. kaso), balewala o baliwala (mula sa kombinasyon ng Kast. valer at Tag. wala), etsapwera (mula sa kombinasyon ng Kast. echar at Kast. fuera) at kumusta (mula sa kombinasyon ng Kast. cómo at Kast. estar).

Pandiwa sa TagalogPandiwa sa KastilaKahulugan sa Kastila
AkusaAcusarAkusahan; paratangan
AlsaAlzarIangat; itaas; ipatayo
AnalisaAnalizarSuriin
ApelaApelarApela, mamanhik
AprubaAprobarMagpatibay; pahintulutan
ApuraApurarTapusin; magmadali (Lat. Am.)
Alkila (bar. arkila)AlquilarMagrenta; magparenta
AsintaAsentarItutok sa pook; ilapag
AturgaOtorgarIpagkaloob; ibigay; igawad
AwtorisaAutorizarPahintulutan
BaraBarrarPutikan
BatiBatirBatihin
BeripikaVerificarPatunayan
BulkanisaVulcanizarBulkanisa
BuraBorrarMagbura
BurdaBordarMagburda
DeklaraDeclararMagpahayag
DeterminaDeterminarMagpasiya
DiktaDictarMag-utos
DimitiDimitirMagbitiw sa tungkulin
DirihiDirigirMamahala; mangasiwa
DisaprubaDisaprobarDi-sang-ayunan
DisarmaDesarmarMag-alis ng sandata
DisimpektaDesinfectarMagdisimpekta
DisimulaDisimularItago; takpan
DiskargaDescargarAlisan ng kargada; ikarga-pakuha
DiskitaDesquitarBumawi
DiskubriDescubrirMatuklasan
DismayaDesmayarMasira ang loob; masiphayo
DistrungkaDestroncarHawanin
GalbanisaGalvanizarGalbanisahin
GisaGuisarMaglaga
HulmaAhormarHugisan
HusgaJuzgarHatulan
ImbestigaInvestigarMag-imbestiga; siyasatin
ImbitaInvitarMag-anyaya
IntindiEntenderIntindihin; unawain
ItsaEcharIhagis
KalkulaCalcularKalkulahin; tayahin
KanselaCancelarIkansela
KantaCantarMag-awit
KargaCargarIkarga; punuin
KodipikaCodificarIsakodigo
KondenaCondenarKondenahin
KonserbaConservarMakatipid
KonsideraConsiderarIsaalang-alang; ituring
KubliCubrirItago; itakip
KubraCobrarManingil
KulaColarSalain; Magpaputi
KultiCurtirMagpaitim
KumbidaConvidarMag-anyaya
KumbinsiConvencirKumbinsihin
KumparaCompararIhambing
KumpirmaConfirmarKumpirmahin
KumpiskaConfiscarKumpiskahin; samsamin
Kumpuni (bar. kompone)ComponerIbuo; umakda; ayusin
KusiCocerMagluto
LabaLavarMaglaba; maghugas
LegalisaLegalizarLegalisahin
LiberalisaLiberalizarLiberalisahin
ManipulaManipularManipulahin
MarkaMarcarMagmarka
NominaNominarHirangin
ObligaObligarPilitan; obligahin
ObserbaObservarObserbahan; pagmasdan
OperaOperarMagpatakbo
PalsipikaFalsificarPalsipikahin; doktorin
PalyaFallarMabigo
ParalisaParalizarParalisahin
PasaPasarIabot; mangyari; danasin
Pasma[41]PasmarMagpahanga; magpamangha
PintaPintarMagpinta
PirmaFirmarMaglagda
PormalisaFormalizarGawing pormal
PreparaPrepararMaghanda
PreserbaPreservarPanatilihin
ProklamaProclamarIpahayag; iproklama
PundiFundirTunawin; pagsamahin
PuntaApuntarPumuntirya; ituro; isulat
PurgaPurgarMagpurga
PursigiPerseguirIpagpatuloy; sundan; habulin; umusig
PustaApostarPumusta; tumaya
RatipikaRatificarMagpatibay
RebokaRevocarBawiin
RekomendaRecomendarMagrekomenda
RepinaRefinarPinuhin
SangkutsaSancochar o SalcocharPakuluan sa tubig at asin
SalbaSalvarIligtas
SaraCerrarIsara
SilbiServirMaglingkod
SindiEncenderMagpaapoy; buksan
SuldaSoldarMaghinang; pagkaisahin
SulsiZurcirTumahi; maghayuma
SumiteSometerSumupil; lupigin; ipasa
SuspendeSuspendirSuspindihin
TantiyaTantearKapain; timbangin; tantiyahin
TarantaAtarantarMagpatulala; magpasilaw
TasaTajarTumaga; gupitin; hiwain
TimplaTemplarMagpalamig; gawing katamtaman
TumbaTumbarPatumbahin
TustaTostarTustahin
UmpisaEmpezarMagsimula

Mga salitang tambalan na may nakahalong Kastila at Tagalogbaguhin

Binubuo ang ilang salitang tambalan ng Tagalog sa pamamagitan ng pagkakahalo ng katutubong salita sa Tagalog at salitang nagmula sa Kastila, tulad ng sa kaso ng sawikaing balat-sibuyas, na kombinasyon ng Tagalog na balat at Kastilang cebolla. Itinatangi ni Ekaterina Baklanova, isang dalubwika, ang di-kukulangin sa dalawang uri ng Kastilang-Tagalog na salitang tambalan: ang hibridong salitang hiram (hybrid loanwords)[42] o pinaghalong paghiram (mixed-borrowings)[43] ay mga bahagyang naisalinwikang salita na inangkop sa Tagalog, hal. karnerong-dagat (mula sa salitang Kastila carnero marino) at anemonang-dagat (mula sa salitang Kastila anémona de mar), habang ang mga hibridong neolohismo (hybrid neologisms)[44][45] ay mga bagong salita na inimbento ng mga Pilipino na gumagamit ng katutubong materyal at hiniram na materyal na asimilado na, hal. pader-ilog, na nagmula sa pagkahalo ng salitang Tagalog ilog at salitang Kastila pared (na inangkop sa Tagalog bilang pader).

Nasa ibaba ang talaan ng mga ilang salitang tambalan na may nakahalong Kastila at Tagalog. Dahil sa kakulangan ng pagsasapamantayan, iba ang pagkasulat ng ilan sa mga salitang tambalan na nakalista sa ibaba (yaon ay, walang gitling) sa ibang panitikang nakabatay sa Tagalog. Halimbawa, habang karaniwang makikita ang terminong sirang-plaka sa maraming akdang Tagalog na walang gitling, mayroong mga ilang pagkakataon kung saan isinusulat ang salita na may gitling tulad ng kaso sa isa sa mga aklat na isinulat ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino Virgilio Almario, na pinamagatang Filipino ng mga Filipino: mga problema sa ispeling, retorika, at pagpapayaman ng wikang pambansa. Isa pang halimbawa ang terminong takdang-oras, na matatagpuan din sa panitikan na walang gitling. Bilang panuntunan, gigitlingan ang salita sa ibaba kung mayroon itong kahit isang instansya na nakasulat ito na may gitling sa mga akdang pampanitikan batay sa Tagalog.

Salitang tambalanMga salitang ugat
Agaw-eksenaagaw (mula sa Tagalog) + eksena (mula sa Kast. escena)
Alsa-balutanalsa (mula sa Kast. alzar) + balutan (mula sa Tagalog)
Amoy-tsikoamoy (mula sa Tagalog) + tsiko (mula sa Kast. chicozapote)
Anemonang-dagatanemona (mula sa Kast. anémona) + dagat (mula sa Tagalog)
Bagong-saltabago (mula sa Tagalog) + salta (mula sa Kast. saltar)
Balat-sibuyasbalat (mula sa Tagalog) + sibuyas (mula sa Kast. cebollas)
Balik-eskwelabalik (mula sa Tagalog) + eskwela (mula sa Kast. escuela)
Bantay-saradobantay (mula sa Tagalog) + sarado (mula sa Kast. cerrado)
Bigay-todobigay (mula sa Tagalog) + todo (mula sa Kast. todo)
Boses-ipisboses (mula sa Kast. voces) + ipis (mula sa Tagalog)
Boses-palakaboses (mula sa Kast. voces) + palaka (mula sa Tagalog, frog)
Bugbog-saradobugbog (mula sa Tagalog) + sarado (mula sa Kast. cerrado)
Bulak-niyebebulak (mula sa Tagalog) + niyebe (mula sa Kast. nieve)
Dilang-angheldila (mula sa Tagalog) + anghel (mula sa Kast. angel)
Dilang-bakadila (mula sa Tagalog) + baka (mula sa Kast. vaca)
Doble-ingatdoble (mula sa Kast. doble) + ingat (mula sa Tagalog)
Doble-talimdoble (mula sa Kast. doble) + talim (mula sa Tagalog)
Epikong-bayanepiko (mula sa Kast. poema épico) + bayan (mula sa Tagalog)
Esponghang-dagatespongha (from. Sp. esponja) + dagat (mula sa Tagalog)
Giyera-patanigiyera (mula sa Kast. guerra) + patani (mula sa Tagalog)
Hating-globohati (mula sa Tagalog) + globo (mula sa Kast. globo)
Hiram-kantoreshiram (mula sa Tagalog) + kantores (mula sa Kast. cantores)
Kabayong-dagatkabayo (mula sa Kast. cavallo) + dagat (mula sa Tagalog)
Karnerong-dagatkarnero (mula sa Kast. carnero) + dagat (mula sa Tagalog)
Kayod-marinokayod (mula sa Tagalog) + marino (mula sa Kast. marino)
Kilos-protestakilos (mula sa Tagalog) + protesta (mula sa Kast. protesta)
Kuwentong-bayankwento (mula sa Kast. cuento) + bayan (mula sa Tagalog)
Lakad-patolakad (mula sa Tagalog) + pato (mula sa Kast. pato)
Leong-dagatleon (mula sa Kast. león) + dagat (mula sa Tagalog)
Mukhang-peramukha (mula sa Tagalog) + pera (mula sa Kast. perra gorda o perra chica)
Pader-ilogpader (mula sa Kast. pared) + ilog (mula sa Tagalog)
Pampalipas-oraslipas (mula sa Tagalog) + oras (mula sa Kast. horas)
Panday-yeropanday (mula sa Tagalog) + yero (mula sa Kast. hierro)
Patay-malisyapatay (mula sa Tagalog) + malisya (mula sa Kast. malicia)
Pusong-mamonpuso (mula sa Tagalog) + mamon (mula sa Kast. mamón)
Sanib-puwersasanib (mula sa Tagalog) + puwersa (mula sa Kast. fuerza)
Siling-habasili (mula sa Kast. chile) + haba (mula sa Tagalog)
Siling-labuyosili (mula sa Kast. chile) + labuyo (mula sa Tagalog)
Singsing-parisingsing (mula sa Tagalog) + pari (mula sa Kast. padre)
Sirang-plakasira (mula sa Tagalog) + plaka (mula sa Kast. placa)
Sulat-makinilyasulat (mula sa Tagalog) + makinilya (mula sa Kast. maquinilla)
Taas-presyotaas (mula sa Tagalog) + presyo (mula sa Kast. precio)
Tabing-kalsadatabi (mula sa Tagalog) + kalsada (mula sa Kast. calzada)
Tabing-kalyetabi (mula sa Tagalog) + kalye (mula sa Kast. calle)
Takaw-aksidentetakaw (mula sa Tagalog) + aksidente (mula sa Kast. accidente)
Takaw-disgrasyatakaw (mula sa Tagalog) + disgrasya (mula sa Kast. desgracia)
Takdang-orastakda (mula sa Tagalog) + oras (mula sa Kast. horas)
Takdang-petsatakda (mula sa Tagalog) + petsa (mula sa Kast. fecha)
Tanim-balatanim (mula sa Tagalog) + bala (mula sa Kast. bala)
Tanim-drogatanim (mula sa Tagalog) + droga (mula sa Kast. droga)
Taong-grasatao (mula sa Tagalog) + grasa (mula sa Kast. grasa)
Tubig-gripotubig (mula sa Tagalog) + gripo (mula sa Kast. grifo)
Tulak-drogatulak (mula sa Tagalog, to push) + droga (mula sa Kast. droga)
Tulog-mantikatulog (mula sa Tagalog) + mantika (mula sa Kast. manteca)
Tunog-latatunog (mula sa Tagalog) + lata (mula sa Kast. lata)


Inglesbaguhin

Ginagamit ang Ingles sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap sa Tagalog. Taglish ang tawag sa ganitong uri ng pakikipag-usap. Makabago at panteknikal ang karamihan ng mga salitang Tagalog na hiniram sa Ingles, ngunit ginagamit din ang mga salitang Ingles bilang pampaikli (napakahaba ang mararaming salitang Tagalog na isinalinwika mula sa Ingles) o para maiwasan ang literal na salin at pag-uulit ng isang salita sa Tagalog. Pangalawa ang Ingles sa pinaghihiraman ng salita sa Tagalog pagkatapos ng Kastila. Sa nasusulat na wika, pinapanatili ang baybay ng mga salitang ingles sa isang pangungusap sa Tagalog, ngunit kung minsan, isinsulat sila ayon sa palatinigan ng Tagalog. Narito ang mga iilang halimbawa:

TagalogIngles(Mga) salitang tradisyonal
AdikDrug addictDurugista (Kast. drogas + -ista)
AdyendaAgenda
BagBagSupot
BakwitEvacuateLumikas
BarbikyuBarbecue
BasketbolBasketball
BeysbolBaseball
BilyarBilliard
BiskwitBiscuit
BistekBeef steak
BodabilVaudeville
BoksingBoxing
BolpenBallpoint pen
DrayberDriverTsuper (Kast. chofer)
DyaketJacket
DyakpatJackpot
Dyip/DyipniJeep/Jeepney
GadyetGadget
GradweytGraduateNakapagtapos ng pag-aaral; gradwado (Kast. graduado)
HayskulHigh schoolPaaralang sekundarya (sekundarya = Kast. secundaria); Mataas na paaralan
HelikopterHelicopter
InterbyuInterviewPanayam, Entrebista (Kast. entrevista)
InternetInternet
IskedyulScheduleTalaorasan (oras = Kast. horas)
IskolarScholar
IskorScorePuntos (Kast. punto)
IskulSchoolPaaralan
IskripScript
IskrinScreenTabing
IskuterScooter
IskuwaterSquatter
IspayralSpiralBalisungsong
IspikerSpeaker (tao)Tagapagsalita, Tagatalumpati, Mananalumpati
IsponsorSponsorTagatangkilik
IsportSportPalaro, Palakasan, Paligsahan (isinasalin din bilang "timpalak" o "torneo")
IspreySprayWisik
IstandardStandardPamantayan, Panukatan
KabinetCabinetAparador (Kast.)
KambasCanvass
KapiraytCopyrightKarapatang-sipi
KarotCarrotAsinorya, Asanorya
KemikalChemical
KendiCandyMinatamis
KetsapKetchupSarsa (Kast. salsa)
KeykCake
KompyuterComputer
KorekCorrectAyos, Tama (Sans.), Tumpak
KyutCuteLindo (l) & Linda (b) (Kast.)
LiderLeaderPinuno
Lobat[46]Low battery
MadyikMagicSalamangka
MagasinMagazine
Miskol[46]Missed call
MitingMeetingPulong
NarsNurse
OkeyOK, OkaySige (Kast. sigue)
PlastikPlastic
PulisPolice
RaliRally
SandwitsSandwich
TambayStand by
TenisTennis
Tin-edyerTeenagerLalabintaunin
TitserTeacherGuro (Sans. "guru"), Maestro (l) & Maestra (b)(Kast.)
TisyuTissue
TraysikelTricycleTrisiklo
TreyTray
WaisWiseMautak, Maabilidad (abilidad = Kast.)

Malaybaguhin

Mararaming mga salitang Malay ang pumasok sa bokabularyong Tagalog noong panahong pre-kolonyal dahil ang Lumang Malay ay naging lingua franca ng kalakalan, komersyo at ugnayang diplomatiko noong panahong pre-kolonyal sa kasaysayan ng Pilipinas gaya ng pinatutunayan ng Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna ng 900 PK at mga salaysay ni Pigafetta nang dumating ang mga Kastila sa bansa mga limang siglo pagkatapos. Ang iilang salitang hiram sa Malay, tulad ng bansa at guro, ay kalaunang idinagdag sa wikang Tagalog noong unang bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga salitang binanggit ay mga mungkahi ni Eusebio T. Daluz, isang yumaong na dalubwika, na tanggapin para sa paglilinang ng wikang Tagalog at sa kalaunan ay naging laganap ang paggamit ng mga ito sa edukadong bahagi ng populasyong nagsasalita ng Tagalog.[47]

TagalogPalaugatan
Balaklaot[48]barat laut (Malay, hilagang-kanluran)
Batubalani[49]batu (Malay at Tagalog) + berani (Malay, matapang)
Bibingka[50]kuih bingka (Malay, tumutukoy sa mamon na gawa sa kamoteng-kahoy)
Bilanggobelenggu (Malay, posas o kadena)
Binibini[51]bini (Malay, asawang babae)
Bunso[52]bongsu (Malay, pinakabata na ipinanak)
Dalamhatidalam (Malay, sa loob) + hati (Malay, atay)
Dalubhasa[53]juru (Malay, eksperto) + bahasa (Malay, wika)
Hatol[54]atur (Malay, kaayusan o pagkakaayos)
Kanan[55]kanan (Malay, kanan)
Kawal[56]kawal (Malay, bantay, patrolya o tanod)
Kulambo[57]kelambu (Malay, moskitero)
Lagari[58]gergaji (Malay, serutso)
Lunggatilung (Tagalog - salitang ugat, lungkot[13]:88) + hati (Malay, atay)
Luwalhatiluwal (Tagalog, sa labas) + hati (Malay, atay)
Uluhatiulo (Tagalog) + hati (Malay, atay)
Pighatipedih (Malay, sakit) + hati (Malay, atay)
Pilak[59]perak (Malay, plata) (Talagang nagmula sa Khmer)
Pirali[60]pijar (Malay, borax)
Salaghatisalag o salak (Tagalog, puno at pinatag) + hati (Malay, atay)
Takal[61]takar (Malay, panukat ng kapasidad para sa langis, atbp.)
Tanghali[62]tengah (Malay, kalahati) + hari (Malay, araw)
Tiyanak[63]puntianak (Malay, tumutukoy sa bampira, multo o katawang muling-binuhay na sumisipsip ng dugo)
Usap[64]ucap (Malay, pagbigkas)

Sanskritobaguhin

Tinatantiya ni Jean Paul-Potet na may halos 280 salita sa Tagalog na nagmula sa Sanskrito.[13]:269 Gaya ng karamihan ng mga wikang Austronesyo, karamihan ng bokabularyong Sanskrito na isinama sa Tagalog ay di-tuwirang hiniram sa pamamagitan ng Malay o Habanes.[65] Habang ipinaniwalaan noon na may mahalagang papel ang Malay sa pagkalat ng impluwensiya ng Indiyanong leksikon sa Timog-silangang Asya, may mga ilang salita na hindi atestado sa Lumang Malay ngunit naroroon sa Lumang Habanes, kaya binibigyang-diin ang posibilidad na mas mahalaga ang papel ng Lumang Habanes sa pagkalat nitong mga salita sa Maritimong Timog-silangang Asya kumpara sa inakala rati. Kabilang sa mga halimbawa ng ganitong salita na umabot din sa Pilipinas ang anluwagi ("karpintero"; mula sa uṇḍahagi sa Habanes na may parehong kahulugan) and gusali (mula sa gusali sa Habanes na may kahulugang "panday"). Dahil mas malapit ang mga salitang ito sa mga katapat na Gitnang Indo-Aryano, hindi nakalista sa ibaba ang mga ganoong salita.[66]

TagalogSanskritoKahulugan sa Tagalog
aghamāgama (आगम): pagkuha ng kaalaman, siyensiyasiyensiya
antalaantara (अन्तर): tagal, puwangbalam
asalācāra (आचार): paraan ng pagkilos, pag-uugali, gawipag-uugali, gawi
bahalabhara (भार): pasan, bigat, mabigat na trabahopangasiwaan, alagaan, asikasuhin
balitavārtā (वार्ता): salaysay, ulatulat hinggil sa mga pangyayari sa paligid
bansavaṃśa (वंश): tubo ng kawayan, talaangkanan, dinastiya, lahibayan, nasyon
banyagavaṇijaka (वणिजक): mangangalakal; negosyantedayuhan
basavaca (वच): boses; pagsasalitapagtunghay at pag-unawa sa nakasulat
Bathalabatthara (भट्टार): taong maharlika; kagalang-galangKataas-taasang Tao, Diyos
bihasaabhyasa (अभ्यास): kinaugaliandalubhasa, sanay
budhibodhi (बोधि): pag-unawakonsiyensiya
dawa[13]:73,191yava (यव): hordeum vulgarePanicum miliaceum
dayadvaya (द्वय): doble-kara; kasinungalinganpandaraya, panlilinlang
diwajīva (जीव): prinsipyo ng buhay; napakahalagang hiningaespiritu, kaluluwa
diwatadevata (देवता): pagka-diyosanito, diyosa, nimpa
dukhadukkha (दुःख): kalungkutan; karalitaan; kahirapankahirapan
dusadoṣa (दोष): pinsala; kasiraan; masasamang bungapaghihirap
dustadūṣita (दूषित): nadungisan; nahalay; nasaktansiniraan
gadyagaja (गज)elepante
gandagandha (गन्ध): bango; halimuyakkariktaan
guroguru (गुरु): maestro; gurotagapagturo, titser
halagaargha (अर्घ): halagakabuluhan, presyo
halataarthaya (अर्थय): madamakapansin-pansin
harayahridaya (हृदय): pusoimahinasyon, guni-guni
hinahīna (हीन): mas mahina/mababa kaysa sa; inabandona; kulangdupok
hiwagavihaga (विहग): ibonmisteryo, milagro
kasubhakusumbha (कुसुम्भ): carthamus tinctoriuscarthamus tinctorius
kastulikastūrī (कस्तूरी): abelmoschus moschatusabelmoschus moschatus
kathakathā (कथा): isang mapagkunwaring kuwento; pabulaakda, piksiyon, imbensyon
katakatapag-uulit ng kathā (कथा): kuwento, pabulaalamat, pabula, kuwentong-bayan
kalapati; palapatipārāpataḥ (पारापत): pitsonpitson
kubakubja (कुब्ज): bukotbukot
kutakota (कोट): muog, tanggulanmuog
ladyaraja (राज): hari, pinuno,soberanoraha
lagundinirgundi (निर्गुण्डि): vitex negundovitex negundo
lahorāhu (राहु): eklipseeklipse, mawala
lasarasa (रस): presyong pandama sa pagkainnn, iamnaminimpresyong pandama sa pagkain
likhalekhā (लेखा): pagguhit; piguralalangin
madlamandala (मण्डल): bilog; pulutongpubliko
maharlikamaharddhika (महर्द्धिक): maunladkaringalan, panlipunang uri ng mga Tagalog bago ang panahon ng Kastila na binuo ng mga pinalaya
makataTag. ma- + kathā (कथा): kuwento; pabulamanunula
mukhamukha (मुख): harapan ng ulo mula noo hanggang babaharapan ng ulo mula noo hanggang baba
mulamula (मूल): batayan, saligan, pinagmulan, pinagsimulangaling sa, sapol noon
mutyamutya (मुत्य): perlasanting-anting, perlas, irog
paksapaksha (पक्ष): isang punto o bagay na pinagtatalakayantema, pinag-uusapan o tinatalakay na bagay
palibhasaparibhasa (परिभाषा): pagsasalita; pamimintas; pagsumbatbalintunay, uyam, pintas
parusaTag. pa- + dusa, mula sa Sanskritong doṣa (दोष)kastigo
patolapatola (पटोल): trichosanthes dioicaluffa acutangula
raharaja (राजन्): hari, ladyaladya (makasaysayan)
saksisākṣin (साक्षिन्): testigotestigo
sakunazakuna (शकुन): isang ibong nagbabadyariwara
salamuhasamuha (समूह): pagtitipon, pulutongpakikihalubilo sa mga tao
salantaranda (रण्ड): nalumpo, baldadobaldado
salitacarita (चरित): ugali, mga kilos, mga gawa, pakikipagsapalaranwikain, sabi
samantalasamantara (समान्तर): magkahilerahabang
sampalatayasampratyaya (सम्प्रत्यय): tiwala, kumpiyansamanalig, maniwala sa Diyos
sandatasaṃyatta (संयत्त): handa, nakaalistoarmas
siglasīghra (शीघ्र): mabilis, matulinsigasig, bitalidad
sintacintā (चिन्ता): isipmahal
sukacukra (चुक्र): binagrebinagre
sutlasūtra (सूत्र): sinulid, pisi, kawadseda
tanikalasṛṅkhala (शृङ्खल): kadenakadena
tinggativra (तीव्र): tin, bakal, aseroplomo
tsampakacampaka (चम्पक): magnolia champacamagnolia champaca
upangupa (उप): patungo, malapit sapara, sa gayon

Tamilbaguhin

Ang ugnayan sa pakikipagkalakalan ng Indiya at Maritimong Timog-silangang Asya sa loob ng mahigit 2,000 taon, na pinatibay ng pagtatag ng Tamil bilang isang wikang pampanitikan sa Indiya simula noong ika-9 na siglo, ay nagpahintulot sa pagkakalat ng mga salitang hiram mula sa Drabida sa mga iilang lokal na wika ng Timog-silangang Asya, kabilang dito ang Lumang Malay at Tagalog. Ipinapakita sa ibaba ang isang talaan ng mga salitang Tagalog na nagmula sa Tamil.[67]

TagalogTamilKahulugan sa TamilKahulugan sa Tagalog
bagay[67]வாகை (vagai)uri, klase; kalakal; pag-aari; hanapbuhaybagay; artikulo
baril[67]வெடில் (veḍil)pagsaboguri ng sandata
bilanggo[67]விலங்கு (vilaṅgu)kadena sa paa; posas; kadenahanpreso
gulay[67]குழை (kulai)lumambot, malamasa, lutung-lutopagkaing halaman
kalikam[13]:302காரிக்கம் (kārikkam)di-kuladong telang bulakburdadong balabal mula sa Brunei
kawal[67]காவல் (kāval)bantay; tanodsundalo; mandirigma
kawali[67]குவளை (kuvaḷai)lalagayan na may bungangang malawak; tasaprituhan
kiyapo[67]கயப்பு (kayappū)bulaklak na pantubigpistia stratiotes
mangga[67]மாங்காய் (māngāi)hilaw na manggamangifera indica
malunggay[67]முருங்கை (murungai)moringa oleiferamoringa oleifera
misay[67]மீசை (mīcai)bigotebigote
palisay[67]பரிசை (paricai)kalasagkalasag na ginagamit sa sayaw ng mandirigma
puto[67]புட்டு (puttu)isang uri ng minatamisuri ng kakanin
tupa[13]:303ஆட்டுப்பட்டி (āṭṭu-p-paṭṭi)isang kawan ng tupakarnero

Arabe at Persabaguhin

Napakaunti ang mga kilalang salitang Tagalog na nagmula sa wikang Arabe o Persa, ngunit madalas na ginagamit ang iilan sa mga ito tulad ng "salamat". Ayon kay Jean-Paul Potet, mayroong 60 salitang Tagalog na nakikilala nang may makatuwirang kompiyansa na nanggaling sa Arabe o Persa, at nahiram ang kalahati rito marahil (halos 23%) o walang alinlangan (halos 26%) sa pamamagitan ng Malay.[68] Tuwirang nagmula ang natitirang kalahati naman sa Arabe o Persa, tulad ng salitang gumamela (ang katawagang Tagalog para sa mga bulaklak na Hibiscus, na nagmula Arabeng جميلة na nangangahulugang maganda). Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba ang mga iba't ibang salitang hiram sa Arabe, kabilang ang mga makalulumang at matutulaing salita, na isinama sa leksikong Tagalog. Kung itinuturing na hiniram ang isang salitang Arabe sa pamamagitan ng Malay, tinutukoy rin ang dinaanang salita sa Malay.

May iilang salitang hiniram ng Tagalog sa Kastila na may pinagmulan sa wikang Arabe.[69] Kabilang dito ang alahas (mula sa Kast. alhaja na nagmula naman sa Arabeng حاجة na nangangahulugang "bagay na kinakailangan o mahalaga"), albayalde (mula sa Kast. albayalde na nagmula naman sa Arabeng بياض na nangangahulugang "puti" o "kaputian"), alkansiya (mula sa Kast. alcancía na nagmula naman sa Arabeng كنز na nangangahulugang "kayamanan"), alkatsopas (mula sa Kast. alcachofa na nagmula naman sa Arabeng الخُرْشُوف‎), almires (mula sa Kast. almirez na nagmula naman sa Arabeng مهراس), asapran (mula sa Kast. azafrán mula sa Persang zarparan na nangangahulugang "gintong nakabitin”[70]), baryo (mula sa Kast. barrio na nagmula naman sa Arabeng بَرِّي), kapre (mula sa Kast. cafre na nagmula naman sa Arabeng كَافِر), kisame (mula sa Kast. zaquizamí na nagmula naman sa Arabeng سقف في السماء na nangangahulugang "kisame sa langit"), atbp. Hindi kasama sa ibabang talahanayan ang mga ganitong Hispano-Arabeng salita dahil nakatuon lamang ito sa mga salitang hiram na tuwirang nagmula sa Arabe at Persa, o di-tuwirang hiniram sa Malay.

TagalogArabe/PersaDinaanang salitang MalayoKahulugan sa Tagalog
agimat[13]:331عَزِيمَة (Arabeng `azimah: anting-anting, mutya, pangkukulam)ajimat (anting-anting)anting-anting
alak[13]:331عرق (Arabeng `araq: inuming alkohol)arak (inuming alkohol)inuming alkohol
anakura[71]ناخوذا (Persang nakhoodha: kapitan ng barko)nakhoda (kapitan ng barko)kapitan ng barko
daulat[13]:331دولة (Arabeng dawlah: pag-ikot, pagbaliktad ng kapalaran)daulat (kaunlaran, kaligayahan)swerte; kapalaran
gumamelaجميلة (Arabeng jamiilah: maganda)hibiscus
hukom[13]:331حكم (Arabeng ḥukm: kahatulan)hukum (kahatulan, batas)tagahatol
katan[13]:331ختان (Arabeng khatān: pagtutuli)tuli
kupya[13]:332كوفية (Arabeng kuufiyyah: gora, keffieh)kopiah (sombrero)uri ng helmet
malim[13]:332معلم (Arabeng mu`allim: guro)malim (pilotong pandagat)pilotong pandagat
mansigit[13]:332مسجد (Arabeng masjid: moske)templo
paham[13]:332فَهْم (Arabeng fahm: pag-unawa)faham (agham, pag-unawa)taong may pinag-aralan; iskolar
pangadyiTag. pang- + حاجي (Arabeng 'ḥājjī: isang peregrino sa Mecca)pengajian (pagbigkas, pagbasa)dasal ng Muslim; dasal sa Tagalog na diyos
pinggan[72]ﭙﻨﮔان (Persang pingān: tasa, mangkok)pinggan (plato, platito)plato
salabat[13]:332شربة (Arabeng sharbah: anumang inumin na walang alak)tsaa na gawa sa luya
salamat[73]سلامة (Persang salāmah: salamat, mula sa Arabeng salāmāt سلامت:

kapayapaan at pagpapala (pambati o pampasalamat)

salamat
salapi[13]:333صرف (Arabeng ṣarf: magbayad, kumita)barya; pera
salawal[72]سروال (Persang sarwaal: pantalon)seluar (pantalon)pang-ibabang damit
siyak[13]:333شيخ (Arabeng shaykh: matanda, maestro, guro, sheik)siak (tagapag-alaga ng moske)klerigong Muslim
sumbali[13]:333سبحل (Arabeng 'sabḥala': sabihin o ulitin ang "Subhan Allah") paghiwa ng lalamunan ng hayop
sunat[13]:333سنة (Arabeng sunnah: tradisyon, lalo na ang mga tradisyon sa Islam)sunat (pagpapatuli)pagpapatuli ng tilin

Hokkienbaguhin

Karamihan ng mga salitang hiniram ng Tagalog sa Tsino ay hinango sa Hokkien, ang Timog Tsinong uring sinasalita sa Pilipinas. Kamakailan lamang ang halos lahat ng mga 163 salitang hango sa Hokkien na tinipon at sinuri ni Gloria Chang-Yap at hindi lumalabas sa mga unang Kastilang diksiyonaryo ng Tagalog.[13]:334 Pumasok ang maraming salitang hiram tulad ng pansit[74] sa bokabularyong Tagalog noong pananakop ng mga Kastila kung saan naranasan ng Pilipinas ang pagdagsa ng mga mandarayuhang Tsino (karamihan mula sa mga lalawigan ng Fujian at Guangdong sa Timog Tsina[75]) habang naging pandaigdigang entrepôt ang Maynila sa pagyabong ng Kalakalang Galeyong Manyila-Acapulco[76][77] Pinalakas ng mga kaakit-akit na pagkakataong pangkabuhayan ang imigrasyon ng mga Tsino sa Kastilang Maynila at dinala ng mga bagong dating na Tsino ang kani-kanilang mga kadalubhasaan, tradisyon sa pagluluto at wika, na nakaimpluwensiya ang huli sa mga katutubong wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga salitang hiram, karamihang may kaugnayan sa pagluluto.[78]:5[79]

TagalogHokkienKahulugan sa HokkienKahulugan sa Tagalog
angkak[78]:137紅麴/âng-khakpulang lebadurapulang lebadura
apyan[78]:131鴉片/a-phiànopyoopyo
ate[78]:141阿姊/á-chíkatawagan sa panganay na babaekatawagan sa panganay na babae
baktaw[78]:143墨斗/ba̍k-táutintang pananda ng karpinterotintang pananda ng karpintero
bakya[78]:130木屐/ba̍k-kia̍hkahoy na sapatoskahoy na sapatos
bataw[78]:135扁豆/pà-taŭbitsuwelas (lablab purpureus)bitsuwelas (lablab purpureus)
batsoy[78]:137肉水/bà-cuìulam kung saan lomo ng baboy ang pangunahing sangkapsinabawang pansit na may lamanloob ng baboy
bihon[78]:137米粉/bî-húnisang uri ng pansitisang uri ng pansit
biko[78]:137米糕/bí-kōpinatamis na kakaninpinatamis na kakanin
bilawo[78]:140米樓/bí-lâu"suson ng bigas" (literal)salaan ng bigas/lalagyan ng pagkain
bimpo[78]:130面布/bīn-pǒlabakaralabakara
bithay[13]:338[78]:140米篩/bi-thaîsalaan ng bigassalaan ng butil at buhangin
bitso[78]:137米棗/bí-chópinritong kakanin na gawa sa galapongkatawagan sa youtiao sa Pilipinas
betsin味精/bī-chengmonosodium glutamatemonosodium glutamate
buwisit[80]無衣食/bō-uî-sítwalang swerteistorbo
diko[78]:141二哥/jī-kô[81][82]katawagan sa ikalawang panganay na lalakikatawagan sa ikalawang panganay na lalaki
diso二嫂/jī-só[83]asawa ng pangalawang panganay na lalakihipag
ditse[78]:141二姊/jī–cì[84]katawagan sa ikalawang panganay na babaekatawagan sa ikalawang panganay na babae
ginto[85]金條/kim-tiâubara ng orooro (Au)
goto[78]:135牛肚/gû-tǒ͘tuwalya ng bakalugaw na may tuwalya ng baka
gunggong[78]:132戇戇/gōng-gōngbobobobo
hikaw[78]:130耳鉤/hǐ-kauaretesaretes
hopya[78]:137好餅/hō-piàmatamis na mamon na may munggomatamis na mamon na may munggo
hukbo[78]:142服務/hôk-būserbisyosandatahang pangkat
husi[78]:130富絲/hù-side-kalidad na bulaktela na may hibla ng pinya
huwepe[78]:131火把/huè-pĕsulosulo
huweteng[78]:145花檔/huê-tĕnguri ng sugaluri ng sugal
impo[86]姆婆/ḿ-pô[87] / 引婆/ín-pô[88]lolalola
ingkong[78]:142[86]𪜶公/in-kông[89]lolololo
inso[78]:142𪜶嫂/ín-só[83]hipaghipag sa kuya
Intsik𪜶叔/in-chek/in-chiak[90][91]tito(impormal) mga Tsinong tao, wika, o kultura
katay[78]:145共刣/kā-thâiihiwa nang sabay-sabaypagpapatay sa hayop na kakainin
kikiam[92]五香/ngó͘-hiangngo hiangngo hiang
kintsay[78]:136芹菜/khîn-chaĭapium graveolensapium graveolens
kiti[78]:134雞弟/ke-tǐsisiwsisiw
kutsay[78]:136韭菜/khû-chaĭallium ramosumallium ramosum
kusot[78]:143鋸屑/kù-sùtpiyaospiyaos
kuya[78]:141哥兄/ko͘–hiaⁿ[93]katawagan sa nakatatandang kapatid na lalakikatawagan sa nakatatandang kapatid na lalaki
lawin[78]:134老鷹/laū-yênganumang ibon mula sa Accipitridae o Falconidaeanumang ibon mula sa Accipitridae o Falconidae
lawlaw[78]:109/laûlumanakabitin na umaalog-alog
lithaw[94][78]:142犁頭/lé-thaúararosudsod ng araro
lomi[78]:138滷麵/ló͘-mīlor mee - uri ng Tsinong pansitlomi – isang uri ng pansit ng mga Tsinoy
lumpiya[78]:138潤餅/lûn-piàkarne, gulay o hipon na ibinalot sa harinang pambalotkarne, gulay o hipon na ibinalot sa harinang pambalot
mami[78]:138肉麵/mà-mĭkarne at pansit sa sabawkarne at pansit sa sabaw
maselan[78]:132ma- + 西儂/se-lângtaga-Kanluran; Kanluraninpihikan
miswa[78]:138麵線/mī-sòaⁿinasnang pansit ng mga Tsinouri ng pansit na may pinung-pinong hibla
pansit[78]:139便食/pân-si̍tputahe na madaling lutuin hal. pansitanumang putahe na may luglog
pakyaw[78]:145跋繳/pák-kiaùibigay nang pabungkos-bungkospagbibili nang maramihan o lahatan
paslang[78]:133拍死人/phah-sí-lāngipatayipatay
petsay[78]:136白菜/pē-chaĭbrassica rapa subsp. pekinensisbrassica rapa subsp. pekinensis
pesa[78]:139白煠魚/pē-sà-hísimpleng pinakuluang isdasimpleng pinakuluang isda
pinse[78]:131硼砂/piên-sēboraxborax
pisaw[13]:340匕首/pì-siùpatalimmaliit na kutsilyo
puntaw[78]:131糞斗/pùn-taùpandakotpandakot
puthaw[95]斧頭/pú-thâupalakolmaliit na palakol
sampan舢板/san-pánTsinong barkoTsinong barko
samyo[78]:135糝藥粉/sám+iôq+hùnmagwisik ng pinulbos na gamothalimuyak
sangko[78]:142三哥/sâ-kôkatawagan sa ikatlo sa panganay na lalakikatawagan sa ikatlo sa panganay na lalaki
sangki[78]:139三紀/sâ-kìillicium verumillicium verum
sanse[78]:142三姊/sâ–cìkatawagan sa ikatlo sa panganay na babaekatawagan sa ikatlo sa panganay na babae
singki[78]:133新客/sin-khehbagong bisita o kostumerbaguhan
sitaw[78]:136青豆/chî-taŭvigna unguiculata subsp. sesquipedalisvigna unguiculata subsp. sesquipedalis
siyaho姐夫/tsiá-hubayaw (asawa ng ate)asawa ng ate o babaeng pinsan
siyakoy油炸粿/iû-cha̍h-kóeyoutiaoshakoy o lubid-lubid
siyansi[78]:141煎匙/chian-sîpambaligtad at panghango ng ipinrito sa kawalipambaligtad at panghango ng ipinrito sa kawali
sotanghon[78]:139蘇打粉/so͘-táⁿ-húnuri ng pansit na may naaaninag na hiblauri ng pansit na may naaaninag na hibla
suki[96]主客/chù–khèmahalagang kostumerregular na kostumer; tagatangkilik
sungki[78]:130伸牙/chûn-khìngiping nakauslibaluktot na ngipin
susi[78]:131鎖匙/só–sîpambukas o pansara ng kandadopambukas o pansara ng kandado
suwahe[78]:134沙蝦/suā-hémetapenaeus ensismetapenaeus ensis
suya[78]:133衰啊/soe-apananalita para sa "Ang malas!"yamot
siyokoy[78]:146水鬼/cuí-kuìespiritu ng tubig; demonyo ng tubigsireno
siyomay[78]:139燒賣/siō-maĭpinasingaw na dimsumsiomai pinasingaw na dimsum
siyopaw[78]:139燒包/siō-paŭbāozi na pinalamanan ng karnesiopao – bāozi na pinalamanan ng karne
taho[78]:139豆花/taū-hûtokwapanghimagas na gawa sa utaw, arnibal, at sago
tahure (bar. tahuri)[78]:139豆花/taū-hûtokwapinakasim na tokwa sa toyo
tangà[97][78]:134蟲仔/thâng-ámaliit na insekto/kulisap/uodpanggabing kulisap (clothes moth)
tanglaw[78]:132燈籠/tiêng-laúlampara; ilawanilaw
tanso[78]:144銅索/táng-sòalambreng tansokobre (Cu); bronse
tawsi[78]:140豆豉/tāu-siutaw na pinreserba sa toyoutaw na pinreserba sa toyo
timsim (bar. tingsim)[78]:132灯心/tiêng-sîmmitsa ng ilawang de-langismitsa ng ilawang de-langis
tinghoy[78]:132燈火/tiêng-huèkingki, paritankingki, paritan
tikoy[78]:140甜粿/tiⁿ-kóematamis na kakaninmatamis na kakanin
tito[78]:136豬肚/ti-tǒ͘tripa ng baboytripa ng baboy
tiyak[78]:134的確/tiak-khaktalagasigurado
toge[78]:136豆芽/tāu-gêgulaying usbong ng monggogulaying usbong ng monggo
tokwa[78]:140豆乾/taū-kuâpagkain na gawa sa kinultang balatongpagkain na gawa sa kinultang balatong
totso[78]:140豆油醋魚/taū-iū-chò-híisdang niluto sa toyo at sukaginisang isda na may tahure
toyo[78]:140豆油/tāu–iûuri ng sawsawanuri ng sawsawan
tsaa茶仔/chhâ-áinumin na gawa sa dahoninumin na gawa sa dahon
tutsang[78]:131頭鬃/thâu-changbuhokmaikling buhok sa ulo ng babae
upo[78]:136瓠瓜/ō-púlagenaria sicerarialagenaria siceraria
utaw[78]:136黑豆/ō-taŭbalatong (glycine max)balatong (glycine max)
wansoy (bar. unsoy, yansoy)[78]:137芫荽/iān-suîkulantro (coriandrum sativum)kulantro (coriandrum sativum)

Haponesbaguhin

Kaunti lamang ang mga salitang Tagalog na nagmula sa Hapones.[13]:343 Ipinakilala ang karamihan nito noong ikadalawampung siglo lamang tulad ng tansan[98] (mula sa 炭酸 sa Hapones na tumutukoy sa soda at karbonado) at karaoke (mula sa カラオケ sa Hapones, na literal na nangangahulugang "orkestrang walang laman") ngunit may mga kakaunting salitang Hapones na lumitaw sa mga unang diksiyonaryong Kastila ng Tagalog tulad ng katana (espadang Hapones, mula sa かたな sa Hapones na may parehong kahulugan).

Nanggaling ang iilang biro sa Tagalog sa nakakatawang reinterpretasyon ng mga terminong Hapones bilang mga salitang Tagalog tulad ng otousan (mula sa お父さん ng Hapones na nangangahulugang "ama") na binigyan ng kahulugang utusan (na nangangahulugang "tagapaglingkod" o "katulong") sa Tagalog.[13]:346 Para naman sa salitang Japayuki sa Tagalog, tumutukoy ito sa mga migranteng Pilipino na dumagsa sa Hapon simula noong dekada 1980 upang magtrabaho bilang mga tagapaglibang at isa itong pinaglaguman ng salitang Japan sa Ingles at ang salitang Hapon na yuki (o 行き, na nangangahulugang "papunta" or "nakasalalay").

TagalogHaponesKahulugan sa HaponesKahulugan sa Tagalog
bonsay[99]:22盆栽 (bonsai)maliit na nakapaso na halamanmaliit na nakapaso na halaman; (balbal) bansot sa tangkad
dorobo[99]:41泥棒 (dorobō)magnanakaw; mangloloobmagnanakaw; mangloloob
dyak en poy[100] o jak en poyじゃん拳ぽん (jankenpon)larong bato–bato–piklarong bato–bato–pik
karaokeカラオケ (karaoke)pagkanta na may kasabay na musika na nairekordpagkanta na may kasabay na musika na nairekord
karate[101]空手 (karate)isang uri ng sining marsiyalisang uri ng sining marsiyal
katana[13]:343 (katana)isang espadang Haponesisang espadang Hapones
katol[13]:344蚊取り線香 (katorisenkō)insensong pantaboy sa lamokinsensong pantaboy sa lamok
kimona[13]:344着物 (kimono)tradisyonal na kasuotang Haponestradisyonal na blusang Pilipino na gawa sa pinya o husi
kirey[13]:344奇麗 (kirei)maganda; kaibig-ibig; marikit(balbal) maganda; kaibig-ibig; marikit
kokang[13]:344交換 (kōkan)palitan; pagpapalitan(balbal) palitan; pagpapalitan
pampan[13]:344ぱんぱん (panpan)(balbal) patutot (lalo na noong kakatapos lamang ng WWII)(balbal) patutot
shabuシャブ (shabu)(balbal) methamphetamine hydrochloridemethamphetamine hydrochloride
taksan-taksan[13]:344沢山 (takusan)marami(balbal) marami
tansan炭酸 (tansan)karbonadong tubigtakip ng bote
tsunami津波 (tsunami)agwaheagwahe
Totoおとうと(otōto)nakababatang kapatid o anakbatang lalaki[102][103]

Nahuatlbaguhin

Nakakuha ang Tagalog ng mga salitang Nahuatl sa pamamagitan ng Kastila mula sa Kalakalang Galeon sa Bireynato ng Mehiko noong panahon ng Kastila.[104]

Narito ang mga iilang halimbawa:

Salitang TagalogSalitang Ugat sa NahuatlSalitang KastilaKahulugan at Karagdagang Komento
abukadoahuacatlaguacatepersea americana
akapulko (bar. kapurko)acapolcoacapulcosenna alata
alpasotis (bar. pasotis)epazotlepazotechenopodium ambrosioides
atole[105]atolliatolekola na gawa sa harina
atsuweteachiotlachiotebixa orellana
guwatsinanggocuauchilnacatlguachinangomatalas; maulo; tuso
kakawcacáhuatlcacaotheobroma cacao
kakawati (bar. kakawate)cacáhuatlcacahuategliricidia sepium
kalatsutsi (bar. kalanotse)cacaloxochitlcacalosúchilplumeria rubra
kamatistomatltomatesolanum lycopersicum
kamatsilecuamóchitlguamúchilpithecellobium dulce
kamotecamotlicamoteipomoea batatas
koyote (bar. kayote)coyotlcoyotecanis latrans
kulitisquilitlqueliteamaranthus viridis
mekatemecatlmecatelubid o kordon na gawa sa abaka
MehikoMēxihcoMexicoMehikanong Estados Unidos
nanay[106][107]nantlinanaina
paruparo[108][104](bar. paparo)papalotlpapalotemariposa, rhopalocera
petate[109]petlatlpetatehinabing banig na palma
peyotepeyotlpeyotelophophora williamsii
pitakapetlacallipetacalukbutan ng barya
sakatezacatlzacatedamo na pangkumpay
sangkakachiancacachancacahaleya na gawa sa pinatigas na pulut
sapotetzapotlzapotepouteria sapota
sayotechayotlichayotesechium edule
silichīllichilecapsicum
singkamasxicamatljicamapachyrhizus erosus
sisiwachichiuachichiguatagapasuso
tamalis (bar. tamales)tamallitamaltamales na kanin na binalot sa dahon ng saging o balat ng mais
tapangko[110]tlapancotapancosibi
tatay[106][111]tahtlitataama
tisatizatltizayeso
tiyangge (bar. tsangge)tianquiztlitianguispamilihang walang-bubong
tokayo (bar. tukayo, katukayo)tocayotiatocayokangalan, kapangalan
tsiklet (bar. tsikle)chictlichiclechewing gum
tsikotzicozapotlchicozapotemanilkara zapota
tsokolatexocolatlchocolatesikulate

Quechuabaguhin

Nakakuha rin ang Tagalog ng bokabularyo mula sa wikang Quechua,[112] sa Timog Amerika sa Bireynato ng Peru, lalo na pagkatapos mag-ankat si Don Sebastián Hurtado de Corcuera, dating Gobernador ng Panama, ng mga Peruwanong sundalo at nanduyhan na maglingkod sa Pilipinas.[113]

Salitang TagalogSalitang Ugat sa QuechuaSalitang KastilaKahulugan at Karagdagang Komento
alpakaalpacaalpacaisang uri ng ngumangata at ang lana nito
kondorcondorcondorvultur gryphus
gautsogauchogauchobakero, pastol
guwanoguanoguanodumi ng ibong-dagat na ginagamit bilang pataba
hipihapajipijapajipijapahibla na nakuha sa dahon ng palma para gumawa ng sombrero; ang sombrero na gawa sa materyales na ito
pampapampapampaparang, kaparangan
papaspapapapapatatas
kininaquininquininasangkap mula sa balakbak ng ilang punungkahoy na panlunas ng lagnat

Sebwanobaguhin

Naghiram ang Tagalog ng mga ilang salitang Sebwano, karamihan ay dahil sa migrasyon ng mga Sebwano at Bisaya sa mga rehiyong nagsasalita ng Tagalog. Tumutukoy ang ilang mga salitang ito sa mga konsepto na hindi dating umiral sa Tagalog o may kaugnayan sa kulturang Sebwano o Bisaya; ang ilan pa ay may mga dati nang katumbas at ipinakilala sa Tagalog ng mga katutubong nagsasalita ng Sebwano. May pinanggalingang Sebwano ang ilang balbal sa Tagalog (hal. Tag. jombag, mula sa Seb. sumbag)

TagalogSebwanoKahulugan sa TagalogKahulugan sa Sebwano
bayotbayotbakla; badingbakla; bading; duwag
buang, buwangbuangbaliwbaliw; tanga; bobo
daksdako(balbal) may malaking titimalaki
dugongdugongdugong dugondugong dugon
habal-habalhabal-habalmotorsiklong pampasaheromotorsiklong pampasahero (mula sa habal "mangarat")
indayindaysinta; pagtawag sa babaeng kasambahaybatang babae
jutsdiyotay(balbal) may maliit na titimaliit;
katarungankataronganhustisya (inimbento sa pasimula ng ika-20 siglo ni Eusebio T. Daluz)dahilan, katwiran (mula sa tarong "tuwid; tama; nararapat; matino")
kawatankawatanmagnanakaw; kriminalmagnanakaw (mula sa kawat "magnakaw")
kawaykawaypagtawag sa paggamit ng kamaygalamay
kuskos-balungoskuskos balungosgulo; labis-labis na kilos, balisa, ligalig, o pag-uusap ukol sa isang bagaymagkamot o magkuskos ng sariling bulbul
Lumadlumadalinman sa mga katutubong tao sa Mindanao na hindi Muslimkatutubo
lungsodlungsodsiyudad (ipinakilala noong pasimula ng ika-20 siglo ni Eusebio T. Daluz)bayan
tulisantulisanmandarambong; buhong; bandido; manlalabag ng batasbandido; mandarambong

Mga sanggunianbaguhin

🔥 Top keywords: Mahal na ArawUbong-dalahitJosé RizalUnang PahinaSimbahang Katolikong RomanoAng Pitong Huling SalitaHuwebes SantoNatatangi:MaghanapNoli Me Tángere (nobela)United KingdomVisita IglesiaEl filibusterismoBiyernes SantoAraw ng KagitinganEnkripsiyonSenakuloFrancisco BalagtasPulmonyaUnang Digmaang PandaigdigTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasGastroenteritisMga HudyoTuberkulosisKatas ng pukeFerdinand MarcosSimbahang Katolika RomanaIbong AdarnaPamamaga ng lalamunanImpeksiyon sa daanan ng ihiWikang TagalogTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePangasinanPasko ng Muling PagkabuhayIglesia ni CristoEstados UnidosEat Bulaga!Sakit sa ibaba ng likodPanahon ng KuwaresmaFlorante at LauraManuel RoxasAngelica PanganibanAba Ginoong MariaPilipinasSelosAndrés BonifacioSingkamasLupang HinirangPasyon (Kristiyanismo)Pang-uriIslamPananakit ng bayagKultura ng PilipinasSingaw (sakit)Sabado de GloriaKulugoLinggo ng PalaspasBongbong MarcosRamon MagsaysayPagkalat ng Pertussis sa Kalakhang MaynilaKasaysayan ng PilipinasKatipunanTrinidadHepataytis CIkalawang Digmaang PandaigdigIkatlong Republika ng PilipinasPang-abayEmilio AguinaldoPandiwaRodrigo DuterteAlmuranasLabindalawang AlagadPigsaAlamat ng pinyaMoisesElpidio QuirinoLianne ValentinLuwalhati sa AmaAntonio LunaHudyong KristiyanoHesusLabanan sa YultongTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereMarijuanaÑCarlos P. GarciaTulinganMga pangkat etniko sa PilipinasCabuyaoAng Huling El BimboBalisawsawModule:ArgumentsLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiUpuanMaikling kuwentoPamamaga ng mataMapaPagkamakabansaManggaDiosdado Macapagal