Paraguay
Ang Paraguay (Padron:Lang-gn), opisyal na pangalan na Republika ng Paraguay, ay isang bansa sa Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na pará, nangangahulugang “ilog”, at guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa Asunción, ngunit, sa Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.
Republika ng Paraguay | |
---|---|
Salawikain: Paz y justicia "Kapayapaan at katarungan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Asunción 25°16′S 57°40′W / 25.267°S 57.667°W |
Wikang opisyal | Kastila • Guarani |
Katawagan | Paraguayo |
Pamahalaan | Unitaryong republika pampanguluhan |
• Pangulo | Santiago Peña |
• Pangalawang Pangulo | Pedro Alliana |
Lehislatura | Congress |
• Mataas na Kapulungan | Senate |
• Mababang Kapulungan | Chamber of Deputies |
Independence from Spain | |
• Declared | 14 May 1811 |
• Recognized | 25 November 1842 |
• Current constitution | 20 June 1992 |
Lawak | |
• Kabuuan | 406,752 km2 (157,048 mi kuw) (59th) |
• Katubigan (%) | 2.6 |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 6,109,644 (113th) |
• Densidad | 15/km2 (38.8/mi kuw) (215th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $117.35 bilyon (94th) |
• Bawat kapita | $19,040[1] (98th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $44.14 billion[1] (98th) |
• Bawat kapita | $7,162[1] (104th) |
Gini (2020) | 43.5[2] katamtaman |
TKP (2021) | 0.717[3] mataas · 105th |
Salapi | Guaraní (PYG) |
Sona ng oras | UTC–4 (PYT) |
• Tag-init (DST) | UTC–3 (PYST) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +595 |
Kodigo sa ISO 3166 | PY |
Internet TLD | .py |
Ang mga katutubong Guarani ang nanirahan sa mga lupain ng makabagong-panahong Paraguay sa loob ng mahigit isang milenyo bago sila nasakop ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang mga Espanyol at mga misyonerong Heswita ang nagpakilala ng Kristiyanismo at kulturang Espanyol sa rehiyon. Pagkatapos lumaya mula sa Espanya noong 1811, sunod-sunod na pinamunuan ng mga diktador ang Paraguay na nagsagawa ng mga polisiyang proteksiyonista.
Ang paglago ng Paraguay ay naputol ng Digmaang Paraguayo (1864-1870), na kung saan nawala ang 60%-70% ng populasyon nito dahil sa digmaan at kamatayan, at ang 140,000 kilometro kwadrado ng teritoryo nito ay napunta sa Argentina at Brazil. Sa pagdaan ng ika-20 siglo, sunod-sunod na mga awtoritaryanong pamahalaan ang namuno sa Paraguay. Katangi-tangi rito ang pamamahala ni Alfredo Stroessner, na namahala mula 1954 hanggang 1989. Siya ay napatalsik sa kudeta, at muling isinagawa ang malayang halalan noong 1993. Pagkatapos ng isang taon, kasama ng Paraguay ang Argentina, Brazil, at Uruguay sa nagtatag ng Mercosur, isang rehiyonal na organisasyong pangekonomiya.
Noong 2009, tinataya na mayroon nang 6.5 milyong katao na naninirahan sa Paraguay, ang karamihan ay nasa timog-silangang bahagi ng bansa. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ay ang Asunción, na kung saan naninirahan ang halos 1/3 ng buong populasyon. Hindi tulad ng karamihan sa mga bansa sa Latin America, ang kultura at wika ng katutubong Guarani ay may malaking impluwensya. Karamihan sa mga naninirahan ay nagsasabing sila ay mestizo, na resulta ng pakikihalo ng mga iba't ibang grupo sa isa't isa. Parehong Guarani at Espanyol ang opisyal na wika ng Paraguay, na may 92% na nakakapagsalita ng Espanyol at 98% na nakakapagsalita ng Guarani.
Mga pinakamalaking lungsod
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag;walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangIMFWEO.PY
); $2 - ↑ "Gini Index". World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2022. Nakuha noong 6 Hulyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong Setyembre 8, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "3218.0 - Censo de la DGEEC, 2002". DGEEC. 2002.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki Baike sa pagpapalawig nito.